
UP PREP CLASS OF 1968
Sa araw naman ng pag-alis ni Ellen Camacho dito sa Pinas upang bumalik sa California ay siya namang pagdating ni Beth Sancho na ngayon ay naninirahan na sa New Jersey. Masaya ang naging salu-salo na ginanap sa Camp 120 ni Chico Morales


Masayang bumabati si Dennis (nakatayo sa kaliwa ) kay Beth habang tumutungga ng beer si Claro at inggit na nanunuod si Serafin. Halakhakan naman ang mga dilag na si Lorna, Bernie, Mila at Cynthia.


Sama sa tawanan ( kaliwa) si Chico at si Toots samantalng bidahan na katakut-takot sina Boyet, Priscilla, Rawlie ( may sigarilyo) at si Ces (medyo nakatalikod)


May seryosong bidahan sa kaliwa si Bobby at Chico at seryoso ring kodakan sa kanan ang grupo na kasama si Dra. Angela , Serafin, Toots, Boyet (nakatayo) . Ang mga nakaupo naman sa kanan ay sina Lorna, Beth , Mila at Cynthia.


Aayaw pumayag ng hindi close-up ( mula sa dulo) si Ana Marie, Priscilla, Cynthia , Mila , Beth at Lorna ! Hindi naman nakawala si Beth para sa isang makasaysayang pictorial na kasama si Claro !
(Pitik dito para bumalik sa naunang mga larawan)
