
UP PREP CLASS OF 1968
Tungkol sa Batch
Noong taong 1954, ang Pamantasan ng Pilipinas ay nagbuo ng isang grupo ng piling-pili at matatalinong mag-aaral . Naghanda ang pamantasan ng malawakang curriculum upang maihanda ang mga nasabing mag-aaral na ito sa agham at matematika.
Itinatag ang paaralan na tinawag na Mataas na Paaralang Paghahanda ng Pamantasan ng Pilipinas o UP Preparatory School. Pinamahalaan ito ng mga batikang guro at propesor na pawang may mga PhD at Masters Degree at binigyan ng mga makabagong kagamitang pang laboratoryo. . Taun-taon, ito ay nakapagpatapos ng wala pa sa isang daang mag-aaral. Marami sa mga nakapagtapos dito ay naging mga iskolar ng pamahalaan at nakapagtrabaho sa mga pinakamatataas at sensitibong sangay ng pamahalaan at pribadong kumpanya.
Hindi naiba ang Class of 1968. Maipagmamalaki ng batch na ito na sila ay isa sa mga pinakamahuhusay at pinakamagagaling , maliban pa sa mga pinakaguwapo at pinakamagaganda.
Ito ang kasaysayan ng Prepian'68 at ang kasaysayang ito ay nagpapatuloy ..........
![]()